Ang Islam ay nagtuturo na ang mga tungkuling panlipunan ay dapat na nakabatay sa pagmamahal, kabaitan, at paggalang sa iba.
Itinatag ng Islam ang mga batayan, pamantayan, at regulasyon, at tinukoy ang mga karapatan at tungkulin sa lahat ng mga ugnayang panlipunan.
"Sambahin ang Allah at huwag magtambal sa Kanya ng anuman. At maging mabuti sa mga magulang, mga kamag-anak, mga ulila, mga mahihirap, mga kapitbahay na malapit at malayo, ang kasamahan sa tabi, ang naglalakbay, at ang mga hawak ng inyong kanang kamay. Sapagkat ang Allah ay hindi nagmamahal sa mapagmataas at mayabang." [260] (Surah An-Nisa:36)
"...At makitungo sa kanila (inyong mga asawa) ng mabuti. Kung kayo ay mayroong hindi nagugustuhan sa kanila, maaaring hindi ninyo nagugustuhan ang isang bagay na nilagyan ng Allah ng maraming kabutihan." [261] (Surah An-Nisa:19)
"Kayong mga naniwala, kapag sinabihan kayo na magbigay ng puwang sa mga pagtitipon, magbigay kayo ng puwang, at ang Allah ay magbibigay ng puwang sa inyo. At kapag sinabihan kayo na tumayo, tumayo kayo, itataas ng Allah ang antas ng mga naniwala sa inyo at ng mga nabigyan ng kaalaman. At ang Allah ay ganap na Nakakabatid sa inyong ginagawa." [262] (Surah Al-Mujadilah:11)