Si Propeta Muhammad sumakanya ang pagpapala at kapayapaan ay hindi kailanman nagawang pumalo sa isang babae sa kanyang buong buhay. Ang talata mula sa Qur'an patungkol sa pagpalo ay tumutukoy sa pagpalo ng lalaki sa isang babaing suwail na hindi malakas at walang pasa.
Ipagpalagay natin na ang isang tao ay nakita niya ang kanyang anak na babae na nasa dulo bintana upang tumalon at magpakamatay. Tiyak na gagalaw agad ang iyong mga kamay nang hindi sadya at maitutulak mo siya papalayo upang hindi mapahamak. Ito ang layunin sa pagpalo sa asawang babae, upang siya ay mailayo ng lalake mula sa pagkasira ng kanyang pamilya at mga anak.
Ito ay darating pagkatapos ng ilang hakbang ayon sa sinabi sa Banal na Quran:
"At yaong mga kababaihan na inyong pinangangambahang maghihimagsik, pagsabihan ninyo sila, iwanan sila sa kanilang mga higaan, at hampasin sila. Nguni't kung sila'y sumunod sa inyo, huwag kayong humanap ng daan laban sa kanila. Katotohanan, ang Allah ay Dakila at Mataas." (Surah An-Nisa, 4:34)
Dahil sa kahinaan ng babae, binigyan siya ng Islam ng karapatan na lumapit sa hukuman kung sakaling ang kanyang asawa ay nagmaltrato sa kanya.
Ang pundasyon ng ugnayan ng mag-asawa sa Islam ay dapat na nakabatay sa pagmamahalan, katahimikan, at awa.
"At sa Kanyang mga tanda ay nilikha Niya para sa inyo mula sa inyong mga sarili ang mga asawa upang kayo ay manahan sa kanila sa kapayapaan, at Kanyang inilagay sa pagitan ninyo ang pagmamahalan at awa. Katotohanan, sa mga ito ay may mga tanda para sa mga taong nag-iisip." [212] (Surah Ar-Rum, 30:21)