Tunay na ang babae noon ay pinagkakaitan na mana bago pa man ang Islam. At nang dumating ang Islam ay isinama sila sa mga magmamana at sa halip ang kanilang mana sa ibang pagkakataon ay mas nakahihigit pa o kaparehas lamang ang kanilang bahagi sa mga lalake, at minsan ang babae ay may mana at ang lalake ay wala sa ibang pagkakataon. At sa ibang pagkakataon ay nakakamit ng lalake ang mataas na antas kaysa sa babae batay sa pagkakamag-anak, at ito ang nabanggit sa banal na Qur'an:
"Ang Allah ay nagtagubilin sa inyo hinggi sa inyong mga anak; [ukol sa kanilang bahagi sa pamana]: para sa lalaki ay katumbas ng bahagi ng dalawang babae.." [An-Nisa:11].
Isang babaing Muslim ay nagsabi: Hindi niya maintindihan ang ganitong usapin hangga't sa dumating sa punto na ang tatay ng kanyang asawa ay pumanaw. Nakatanggap ang kanyang asawa ng bahagi mula sa pamana nang doble kaysa sa natanggap na bahagi ng kanyang kapatid na babae. Bumili ng sasakyan at mga kagamitan sa bahay ang kanyang asawa para sa kanyang pamilya. Bumili naman ang kapatid niyang babae mula sa natanggap na bahaging mana nang mga alahas at palamuti sa sarli, at ang ibang bahagi naman nito ay kanyang dineposito sa bangko, sapagkat ang kanyang asawa ang nagkakaloob sa kanya ng bahay at iba pa na mga kagamitan at pangangailangan. Sa puntong ito ay aking naintindihan ang layunin kung bakit nakhihigit ang mana ng lalaki kaysa sa babae, ang papuri ay sa Allah!
Maging sa karamihan nang pamayanan ay hinahayaan magtrabaho ang babae para sa kanyang pamilya. Ang paghatol (ng Islam) hinggil sa pamana ay hindi nakasisira sapagkat ito ay katulad lamang halimbawa; sa isang cellphone kapag hindi sinunod ng may ari ang manual o tamang pamamahala nito ay hindi nangangahulugan na mali ang mga impormasyon sa paggamit.