Bakit Hindi Ihiwalay ang Relihiyon sa Pamahalaan Tulad ng sa Kanluran?

Ang karanasan ng Kanluran ay bunga ng reaksyon sa pang-aabuso ng simbahan at estado sa mga tao noong Gitnang Panahon. Hindi ito naranasan ng mundo ng Islam dahil sa praktikal at lohikal na sistema ng Islam.

Kailangan natin ng isang tiyak at banal na batas na angkop sa lahat ng kalagayan ng tao, hindi ng mga batas na nakabatay sa kapritso ng tao at pabago-bagong pananaw. Hindi natin kailangan ang mga batas na isinusulat ng makapangyarihan para apihin ang mahina, tulad ng sa sistemang kapitalista, o komunismo na sumasalungat sa natural na pagnanais na magkaroon ng pag-aari.

PDF