Si Propeta Moises at David ay mga mandirigma. Sila, kasama si Muhammad, ay nagkaroon ng tungkulin sa pamahalaan at lipunan, at nilisan ang mga lipunang pagano. Umalis si Moises kasama ang kanyang mga tao mula sa Egypt, at lumipat si Muhammad sa Yathrib (Medina). Ang pagkakaiba sa misyon ni Kristo ay siya ay ipinadala sa mga Hudyo, na hindi mga pagano. Ang mga misyon nina Moises at Muhammad ay para sa pagbabago mula sa paganismo tungo sa monoteismo.
Ang bilang ng mga nasawi sa mga digmaan sa panahon ni Propeta Muhammad ay hindi hihigit sa isang libo, at ang mga ito ay naganap sa pagtatanggol sa sarili o sa pananampalataya. Sa kabilang banda, ang mga digmaan na isinagawa sa pangalan ng ibang mga relihiyon ay nagresulta sa milyun-milyong nasawi.
Nang bumagsak ang Mecca at binigyan ng kapangyarihan si Muhammad, ipinakita niya ang kanyang awa sa pamamagitan ng pagdeklara ng araw ng kapatawaran. Pinatawad niya ang mga taga-Mecca na nagpakahirap sa mga Muslim, at tinugon ang kanilang kasamaan ng kabutihan.
"At hindi nagkakapantay ang mabuti at ang masama. Ipagpatuloy mo ang (pakikitungo) na pinakamabuti, at ang kaaway mo ay magiging matalik na kaibigan." (Fussilat: 34).
Sa mga katangian ng mga matutuwid, sinabi ng Diyos:
"...at silang nagpigil ng galit at nagpatawad sa mga tao; at minamahal ng Diyos ang mga gumagawa ng mabuti." (Al Imran: 134).