Ang pagkakaroon ng iba't ibang teorya at paniniwala ng mga tao ay hindi nangangahulugang walang isang tamang katotohanan. Halimbawa, gaano man karami ang mga pananaw at iniisip ng mga tao tungkol sa uri ng sasakyan ng isang taong may itim na kotse, hindi nito mababago ang katotohanang siya ay may itim na kotse. Kung maniniwala man ang buong mundo na pula ang kotse ng taong iyon, hindi ito magbabago sa kulay ng kotse niya na itim. Mayroong isang katotohanan, at ito ay itim ang kanyang kotse.
Sa mas mataas na antas, gaano man karami ang mga pananaw at paniniwala ng mga tao tungkol sa pinagmulan ng pag-iral, hindi nito mababago ang katotohanan na mayroong isang Diyos na lumikha ng lahat.
Ang Diyos na ito ay walang imahe na alam ng tao, walang kapareha, at walang anak. Kung nais man ng buong mundo na maniwala na ang Diyos ay nagkatawang tao o hayop, hindi nito mababago ang katotohanang ito. Ang Diyos ay higit na mataas kaysa rito.