Ang Diyos ay nagtuturo sa lahat ng Kanyang alipin patungo sa kaligtasan, at hindi Niya nais para sa kanila ang kawalang-pananampalataya, ngunit hindi Niya gusto ang maling landas na tinatahak ng isang tao sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya at pagsira sa lupa.
“Kung magtatakwil kayo, tiyak na ang Diyos ay walang pangangailangan sa inyo. At hindi Niya gusto ang kawalang-pananampalataya para sa Kanyang mga alipin. Kung kayo ay magpapasalamat, magiging masaya Siya sa inyo. At walang magdadala ng kasalanan ng iba. Pagkatapos, ang inyong pagbalik ay sa inyong Panginoon at magbabalita Siya sa inyo ng inyong mga ginagawa. Tiyak na Siya ay nakakaalam ng mga lihim sa mga puso.” [316] (Az-Zumar:7).
Ano ang masasabi natin tungkol sa isang ama na paulit-ulit na sinasabi sa kanyang mga anak na siya ay proud sa kanila kahit na sila ay magnanakaw, mangangalunya, pumatay, o magsisira ng lupa? Ang ganitong ama ay parang diyablo na nagtuturo sa kanyang mga anak na magsagawa ng kasamaan sa lupa.