Paano natin hahatulan ang isang tao na humalik sa isang sobre na may mensahe mula sa kanyang ama? Ang lahat ng ritwal ng Hajj ay upang alalahanin ang Diyos at ipakita ang pagsunod at pagtalima sa Panginoon ng mga Daigdig, at hindi ito nangangahulugan ng pagsamba sa mga bato o lugar o tao. Ang Islam ay nagtuturo ng pagsamba sa isang Diyos lamang, ang Panginoon ng mga kalangitan at lupa at lahat ng nasa pagitan nito, at ang Tagapaglikha ng lahat ng bagay at ang kanilang Hari.
"Sabihin mo: 'Inihaharap ko ang aking mukha sa Kanya na lumikha ng mga kalangitan at lupa, bilang isang Hanif (sumasamba sa Diyos lamang) at hindi ako kabilang sa mga pagano.'"[302] (Quran 6:80).