Ang pagdeklara at pagpapatotoo sa Kaisahan ng Diyos at pagsamba sa Kanya lamang, at pagpapatotoo na si Muhammad ay Kanyang alipin at Sugo.
Palagiang pakikipag-ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng pagdarasal.
Pagpapalakas ng kagustuhan ng tao at kontrol sa sarili, at pagpapalago ng awa at pagkakaisa sa pamamagitan ng pag-aayuno.
Pagbibigay ng maliit na porsyento ng kayamanan para sa mga mahihirap sa pamamagitan ng zakat na isang uri ng pagsamba na tumutulong sa tao na manaig ang katangiang mapagbigay kaysa sa kasakiman at pagkamaramot.
Paglalaan ng oras at lugar para sa Diyos sa pamamagitan ng pagsasagawa ng hajj sa Mecca. Ito'y simbolo ng pagkakaisa sa pagsamba sa Diyos anuman ang lahi, kultura, wika, at antas ng tao.