Ang pamamaraan ng pagkatay sa Islam, na kung saan ay ang pagputol sa lalamunan at esophagus ng hayop gamit ang matalim na kutsilyo, ay mas maawain kaysa sa pagsasaksak o pagsakal na nagdudulot ng paghihirap sa hayop. Kapag naputol na ang daloy ng dugo sa utak, ang hayop ay hindi na nakakaramdam ng sakit. Ang pagkilos ng hayop sa pagkatay ay hindi dahil sa sakit, kundi dahil sa mabilis na pagdaloy ng dugo, na nagpapadali sa paglabas ng dugo mula sa katawan, hindi tulad ng ibang pamamaraan na nagpipigil ng dugo sa loob ng katawan ng hayop na nakasasama sa kalusugan ng mga kumakain ng karne nito.
Sinabi ng Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan): "Tunay na isinulat ng Allah ang kahusayan sa lahat ng bagay. Kaya't kapag pumatay kayo, pumatay kayo nang mahusay, at kapag nagkatay kayo, gawin ninyo ito nang mahusay. Hayaan ninyong hasaing mabuti ang inyong kutsilyo at ipahinga ang inyong kinakatay." [275]. (Isinalaysay ni Muslim).