T4: Makababanggit ka ba ng ilan sa mga uri ng mga transaksiyon at mga pagtitindang ipinagbabawal?

S:

1. Ang pandaraya: ang pagkukubli ng kapintasan ng paninda.

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay naparaan sa isang bunton ng pagkain saka nagpasok siya ng kamay sa loob nito saka nakakapa ang mga daliri ng pamamasa kaya nagsabi siya: "Ano ito, O may-ari ng pagkain?" Nagsabi naman ito: "Tumama po riyan ang ulan, O Sugo ni Allāh." Nagsabi siya: "Kaya ba hindi ka naglagay nito sa ibabaw ng pagkain upang makita ng mga tao? Ang sinumang nandaya ay hindi kabilang sa akin."} Nagsalaysay nito si Imām Muslim.

2. Ang ribā (patubo o interes) at tulad nito na kukuha ang isang tao ng 1,000 Piso na pautang sa kundisyon na babayaran niya ito ng 1,200 Piso.

Ang karagdagan ay ang patubong ipinagbabawal.

Nagsabi si Allāh: {Nagpahintulot si Allāh ng pagtitinda at nagbawal Siya ng patubo.} (Qur'ān 2:275)

2. Ang gharar (panlalalang) at ang pagkamangmang gaya ng pagtitinda sa iyo ng gatas samantalang nasa suso pa ng tupa o ng isda samantalang nasa tubig pa at hindi pa nahuhuli.

Nasaad sa ḥadīth: {Sumaway ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagtitinda ng panlalalang.} Nagsalaysay nito si Imām Muslim.