T2: Maipaliliwanag mo ba ang limang patakarang ito?

S:

1. Ang wājib (kinakailangan) ay tulad ng limang ṣalāh, pag-aayuno sa Ramaḍān, at pagsasamabuting-loob sa mga magulang.

- Ang wājib ay ginagantimpalaan ang tagagawa nito at pinarurusahan ang tagaiwan nito.

2. Ang mustaḥabb (naiibigan) ay tulad ng mga sunnah rātibah, pagdarasal sa gabi (qiyāmullayl), pagbibigay ng pagkain, at pagbati. Tinatawag din ito na sunnah (kalakaran) at mandūb (minamagaling).

- Ang mustaḥabb ay ginagantimpalaan ang tagagawa nito at hindi pinarurusahan ang tagaiwan nito.

Mahalagang Puna:

Nararapat para sa Muslim, kapag naririnig niya na ang bagay na ito ay sunnah o mustaḥabb na magdali-dali sa paggawa nito at pagtulad sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).

3. Ang muḥarram (ipinagbabawal) ay tulad ng pag-inom ng alak, kasuwailan sa mga magulang, at pagputol ng ugnayan sa kaanak.

- Ang muḥarram ay ginagantimpalaan ang tagaiwan nito at pinarurusahan ang tagagawa nito.

4. Ang makrūh (di-kanaisnais) ay tulad ng pagkuha at pagbibigay sa pamamagitan ng kaliwang kamay at paglililis ng damit sa ṣalāh.

- Ang makrūh ay ginagantimpalaan ang tagaiwan nito at hindi pinarurusahan ang tagagawa nito.

5. Ang mubāḥ (pinapayagan) ay tulad ng pagkain ng mansanas at pag-inom ng tsaa. Tinatawag din ito na jā'iz (pwede) at ḥalāl (pinahihintulutan).

Ang mubāḥ ay hindi ginagantimpalaan ang tagaiwan nito at hindi pinarurusahan ang tagagawa nito.