T13: Sino ang mga kaaway ng tao?

1. Ang sariling palautos ng kasagwaan. Iyon ay ang pagsunod ng tao sa idinidikta sa kanya ng sarili niya at pithaya niya sa pagsuway kay Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas). Nagsabi si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya): {Tunay na ang sarili ay talagang palautos ng kasagwaan, maliban sa kinaawaan ng Panginoon ko. Tunay na ang Panginoon ko ay Mapagpatawad, Maawain.} (Qur'ān 12:53) 2. Ang demonyo. Ito ay kaaway ng anak ni Adan at ang layon nito ay magligaw sa tao, magpasaring sa kanya sa kasamaan, at magpasok sa kanya sa Impiyerno. Nagsabi si Allāh: {at huwag kayong sumunod sa mga yapak ng demonyo. Tunay na siya para sa inyo ay isang kaaway na malinaw.} (Qur'ān 2:168) 3. Ang mga kasamahan sa kasagwaan na mga humihimok sa kasamaan at bumabalakid sa kabutihan. Nagsabi si Allāh: {Ang mga matalik na magkaibigan, sa Araw na iyon, ang iba sa kanila para sa iba pa ay kaaway, maliban sa mga tagapangilag magkasala.} (Qur'ān 43:67)