T27: Makababanggit ka ba ng panalangin ng paglalakbay?

"Allāhu akbar, Allāhu akbar, Allāhu akbar; subḥāna –­lladhī sakhkhara lanā hādhā, wamā kunnā lahū muqrinīn, wa-innā ilā rabbinā la-munqalibūn; Allāhumma innā nas'aluka fī safarinā hādha ­lbirra wa ­ttaqwā wa mina ­l`amali mā tarḍā; Allāhumma hawwin `alaynā safaranā hādhā, wa-­ṭwi `annā bu`dah; Allāhumma anta –­ṣṣāhibu fi ­–ssafar, wa-­lkhalīfatu fi –­l'ahli; Allāhumma innī a`ūdhu bika min wa`thā'i –­ssafar, wa ka'ābati –­lmanḍ̆ar, wa sū'i –lmunqalabi fi –­lmāli wa-­l'ahli. (Si Allāh ay pinakadakila, si Allāh ay pinakadakila, si Allāh ay pinakadakila. Kaluwalhatian sa Kanya na nagpasunud-sunuran para sa atin nito at tayo rito ay hindi sana makakakaya. Tunay na kami sa Panginoon namin ay talagang magbabalik. O Allāh, tunay na kami ay humihiling sa Iyo sa paglalakbay naming ito ng kabutihan, pangingilag sa pagkakasala, at gawang ikalulugod Mo. O Allāh, pagaanin Mo sa amin ang paglalakbay naming ito at paiksiin Mo para sa amin ang layo nito. O Allāh, Ikaw ang kasama sa paglalakbay at ang pinag-iwanan sa mag-anak. O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa hirap ng paglalakbay, laban sa panglaw ng tanawin, laban sa kasaklapan ng madadatnan sa ari-arian at mag-anak.)"

Kapag pauwi na, muling magsasabi ng mga panalanging ito at magdagdag ng sumusunod:

"Āyibūna, tā'ibūna, `ābidūna, li-rabbinā ḥāmidūn. ([Tayo ay] mga umuuwi, na mga nagbabalik-loob, na mga sumasamba, na sa Panginoon natin ay mga nagpupuri.) Nagsalaysay nito si Imām Muslim.