T19: Ano ang sasabihin mo sa umaga at gabi mula sa mga dhikr?

S: 1. Bibigkas ako ng Āyatulkursīy (Qur'ān 2:255): "Allāhu lā ilāha illā huwa –lḥayyu –lqayyūm, lā ta'khudhuhū sinatuw wa-lā nawm, lahū mā fi –ssamāwāti wa-mā fi –l'arḍ; man dhā –lladhī yashfa`u `indahū illā bi'idhnih, ya`lamu mā bayna aydīhim wa-mā khalfahum: wa-lā yuḥīṭūna bi-shay'im min `ilmihī illā bimā shā', wasi‘a kursīyuhu –ssamāwāti wa-l'arḍ: wa-lā ya'ūduhū hifđuhumā, wa-huwa –l`alīyu –l`ađīm. (Si Allāh, walang Diyos kundi Siya, ang Buháy, ang Mapagpanatili. Walang nakatatangay sa Kanya na isang antok ni isang pagkatulog. Sa Kanya ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Sino itong mamamagitan sa piling Niya malibang ayon sa pahintulot Niya? Nakaaalam Siya sa anumang nasa harapan nila at anumang nasa likuran nila. Hindi sila nakapapaligid sa anuman mula sa kaalaman Niya malibang ayon sa niloob Niya. Sumakop ang silya Niya sa mga langit at lupa at hindi nakabibigat sa Kanya ang pangangalaga sa mga ito. Siya ay ang Mataas, ang Sukdulan.)" (Qur'ān 2:255) 2. Bibigkas ako ng: (Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.) 1. Qul huwa –llāhu aḥad (Sabihin mo: "Siyang si Allāh ay Kaisa-isa.) 2. Allāhu –ṣṣamad (Si Allāh ay ang Dulugan [sa pangangailangan].) 3. Lam yalid wa-lam yūlad (Hindi Siya nagkaanak at hindi Siya ipinanganak.) 4. Wa-lam yakul lahū kufuwan aḥad (Hindi nagkaroon sa Kanya ng isang kapantay na isa man.")} nang tatlong beses; (Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.) 1. (Sabihin mo: "Nagpapakupkop ako sa Panginoon ng bukang-liwayway) 2. (laban sa kasamaan ng anumang nilikha Niya) 3. (at laban sa kasamaan ng pusikit kapag lumaganap ito,) 4. (at laban sa kasamaan ng mga babaing [manggagaway na] palaihip sa mga buhol,) 5. (at laban sa kasamaan ng naiinggit kapag nainggit ito.")} nang tatlong beses; (Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.) 1. (Sabihin mo: "Nagpapakupkop ako sa Panginoon ng mga tao,) 2. (na Hari ng mga tao,) 3. (na Diyos ng mga tao,) 4. (laban sa kasamaan ng tagapasaring na palaurong,) 5. (na nagpapasaring sa mga dibdib ng mga tao,) 6. (kabilang sa mga jinn at mga tao.)} nang tatlong beses; "Allāhumma anta rabbī, lā ilāha illā anta, khalaqtanī wa anā `abduka, wa-anā `alā `ahdika wa-wa`dika ma –staṭa`tu, a`ūdhu bika min sharri mā ṣana`tu, abū'u laka bi-ni`matika `alayya, wa-abū'u bi-dhambī, fa-ghfir lī fa-innahū lā yaghfiru –dhdhunūba illā ant. (O Allāh, Ikaw ay Panginoon ko. Walang Diyos kundi Ikaw. Nilikha Mo ako at ako ay alipin Mo. Ako ay nasa ilalim ng kasunduan sa Iyo at pangako sa Iyo hanggang sa abot ng makakaya ko. Nagpapakupkop ako sa Iyo laban sa masama sa nagawa ko. Kinikilala ko sa Iyo ang biyaya Mo sa akin. Kinikilala ko sa Iyo ang kasalanan ko kaya patawarin Mo ako sapagkat walang nagpapatawad sa mga pagkakasala kundi Ikaw.)" Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.