T6: Ano ang mga uri ng pagkamapagkakatiwalaan at ang mga anyo nito?

S:

1. Ang pagkamapagkakatiwalaan sa pangangalaga sa mga karapatan ni Allāh (napakataas Siya).

Ang mga anyo nito ay ang pagkamapagkakatiwalaan sa pagsasagawa ng mga pagsamba gaya ng ṣalāh, zakāh, ayuno, ḥajj, at iba pa sa mga ito kabilang sa isinatungkulin ni Allāh sa atin.

2. Ang pagkamapagkakatiwalaan sa pangangalaga sa mga karapatan ng nilikha.

* gaya ng pangangalaga sa mga dangal ng mga tao;

* sa mga ari-arian nila;

* sa mga buhay nila;

* sa mga lihim nila at lahat ng ipinagkatiwala sa iyo ng mga tao.

Nagsabi si Allāh kaugnay sa pagbanggit ng mga katangian ng mga nagtagumpay: {na sila sa mga ipinagkatiwala sa kanila at kasunduan sa kanila ay mga tagapag-alaga,} (Qur'ān 23:8)