T30: Makababanggit ka ba ng mga kadahilanang nakatutulong sa Muslim sa pagsasaasal ng mga magandang kaasalan?

S: 1. Ang pagdalangin na pagkalooban ka ni Allāh ng kagandahan ng kaasalan at tulungan ka Niya roon.

2. Ang kamalayan kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) at na Siya ay nakaaalam sa iyo, nakaririnig sa iyo, at nakakikita sa iyo.

3. Ang pagsasaalaala sa gantimpala ng kagandahan ng kaasalan at na ito ay isang kadahilanan para sa pagpasok sa Paraiso.

4. Ang pagsasaalaala sa kahihinatnan ng kasagwaan ng kaasalan at na ito ay isang kadahilanan para sa pagpasok sa Impiyerno.

5. Na ang kagandahan ng kaasalan ay humahatak ng pag-ibig ni Allāh at pag-ibig ng nilikha Niya at na ang kasagwaan ng kaasalan ay humahatak ng galit ni Allāh at galit ng nilikha Niya.

6. Ang pagbabasa ng talambuhay ng Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) at ang pagtulad sa kanya.

7. Ang pakikisama sa mabubuti at ang pag-iwas sa pagsama sa masasama.