T26: Ano ang paniniktik?

S: Ang pagbubunyag at ang pagsasaliksik sa mga kahihiyan ng mga tao at mga pinagtatakpan nila.

Kabilang sa mga anyo nitong ipinagbabawal:

- Ang paninilip sa mga kahihiyan ng mga tao sa mga bahay.

- Ang pakikinig ng tao sa pag-uusap ng mga ibang tao nang walang pagkaalam nila.

Nagsabi si Allāh: {Huwag kayong maniktik.} (Qur'ān 49:12)