T21: Makababanggit ka ba ng ilan sa mga uri ng ipinagbabawal na pandaraya?

S: - Ang pandaraya sa pagtitinda at pagbili at ito ay ang pagkukubli ng kapintasan ng paninda.

- Ang pandaraya sa pag-aaral ng kaalaman at ang tulad niyon ay ang pandaraya ng mga estudyante sa mga pagsusulit.

- Ang pandaraya sa sinasabi gaya ng pagsaksi sa kabulaanan at kasinungalingan.

- Ang hindi pagtupad sa sinasabi mo at pinagkasunduan mo sa mga tao.

Kaugnay sa pagsaway laban sa pandaraya: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay naparaan sa isang bunton ng pagkain saka nagpasok siya ng kamay sa loob nito saka nakakapa ang mga daliri niya ng pamamasa kaya nagsabi siya: "Ano ito, O may-ari ng pagkain?" Nagsabi naman ito: "Tumama po riyan ang ulan, O Sugo ni Allāh." Nagsabi siya: "Kaya ba hindi ka naglagay nito sa ibabaw ng pagkain upang makita ng mga tao? Ang sinumang nandaya ay hindi kabilang sa akin."} Nagsalaysay nito si Imām Muslim.

Ang bunton ng pagkain ay ang tumpok ng pagkain.