T19: Maipapakahulugan mo ba ang pagpapakumbaba?

S: Ito ay ang hindi magturing ang tao sa sarili niya bilang higit sa mga ibang tao kaya hindi niya mamaliitin ang mga tao at hindi niya tatanggihan ang katotohanan.

Nagsabi si Allāh: {Ang mga lingkod ng Napakamaawain ay ang mga naglalakad sa lupa sa kababaang-loob...} (Qur'ān 25:63) Ibig sabihin: "naglalakad bilang mga mapagpakumbaba". Nagsabi naman ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Walang nagpakumbaba na isa man kay Allāh bilang mag-aangat sa kanya si Allāh." Nagsalaysay nito si Imām Muslim. Nagsabi pa siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh ay nagkasi sa akin na magpakumbaba kayo nang sa gayon hindi magmayabang ang isa sa isa at hindi lumabag ang isa sa isa." Nagsalaysay nito si Imām Muslim.