T18: Ano ang pangungutya?

T: Ito ay ang panunuya sa kapatid mong Muslim at ang pagmamaliit sa kanya. Ito ay hindi pinapayagan.

Nagsabi si Allāh kaugnay sa pagsaway laban doon: {O mga sumampalataya, huwag manuya ang ilang lalaki sa ilang lalaki; baka ang mga [tinutuyang] ito ay higit na mabuti kaysa sa kanila [na nanunuya]. Huwag [manuya] ang ilang babae sa ilang babae; baka ang mga [tinutuyang] ito ay higit na mabuti sa kanila [na nanunuya]. Huwag kayong manuligsa sa isa't isa sa inyo at huwag kayong magtawagan ng mga [masamang] taguri. Kay saklap bilang pangalan ang kasuwailan matapos ng pananampalataya. Ang sinumang hindi nagbalik-loob, ang mga iyon ay ang mga tagalabag sa katarungan. } (Qur'ān 49:11)