T17: Ano ang inggit?

S: Ito ay ang pagmimithi ng paglaho ng biyaya sa ibang tao o ang pagkasuklam sa biyaya sa ibang tao.

Nagsabi si Allāh: {at laban sa kasamaan ng isang naiinggit kapag nainggit ito.} (Qur'ān 113:5)

Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Huwag kayong magmuhian, huwag kayong mag-inggitan, huwag kayong magtalikuran, at maging magkakapatid kayo, mga lingkod ni Allāh."} Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.