T16: Maipapakahulugan mo ba ang pagkamasayahin?

S: Ito ay ang kaaliwalasan ng mukha kasabay ng pagkatuwa, pagngiti, kalumayan, at pagpapakita ng pagkagalak sa sandali ng pakikipagkita sa mga tao.

Ito ay kasalungat ng pagsimangot sa harap ng mga tao, na kabilang sa nakapagpapalayo ng loob nila.

Kaugnay sa kainaman niyon, nasaad ang mga ḥadīth sapagkat ayon kay Abū Dharr (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi sa akin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag ka ngang magmaliit ng anuman mula sa kabutihan kahit pa man sumalubong ka sa kapatid mo nang may isang mukhang maaliwalas." Nagsalaysay nito si Imām Muslim. Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pagngiti mo sa harap ng kapatid mo, para sa iyo ay isang kawanggawa." Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy.