S: Ang pag-ibig kay Allāh (napakataas Siya).
Nagsabi si Allāh: {samantalang ang mga sumampalataya ay higit na matindi sa pag-ibig kay Allāh.} (Qur'ān 2:165)
Ang pag-ibig sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Nagsabi siya: "Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, hindi sumasampalataya ang isa sa inyo hanggang sa ako ay maging higit na iniibig sa kanya kaysa sa magulang niya at anak niya." Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.
Ang pag-ibig sa mga mananampalataya at ang pag-ibig ng kabutihan para sa kanila gaya ng pagkaibig mo rito para sa sarili mo.
Nagsabi ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Hindi sumasampalataya ang isa sa inyo hanggang sa umibig siya para sa kapatid niya ng iniibig niya para sa sarili niya." Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.