T12: Makababanggit ka ba ng kaasalan ng pakikipagtulungan?

S: Ito ay ang pakikipagtulungan sa mga tao sa ukol sa kanila sa katotohanan at kabutihan.

Ang mga anyo ng pakikipagtulungan:

* Ang pakikipagtulungan sa pagtugon sa mga karapatan;

* Ang pakikipagtulungan sa pagtugon sa tagalabag sa katarungan;

* Ang pakikipagtulungan sa pagpuno sa mga pangangailangan ng mga tao at mga dukha;

* Ang pakikipagtulungan sa bawat kabutihan;

* Ang hindi pakikipagtulungan sa kasalanan, pananakit, at pangangaway.

Nagsabi si Allāh: {Magtulungan kayo sa pagsasamabuting-loob at pangingilag magkasala at huwag kayong magtulungan sa kasalanan at pangangaway. Mangilag kayong magkasala kay Allāh. Tunay na si Allāh ay matindi ang parusa.} (Qur'ān 5:2) Nagsabi ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Tunay na ang mananampalataya para sa mananampalataya ay gaya ng gusali, na nagpapalakas ang isa sa isa." Napagkaisahan ang katumpakan. Nagsabi ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Ang Muslim ay kapatid ng Muslim; hindi siya nang-aapi nito at hindi siya nagsusuko nito [sa mang-aapi]. Ang sinumang nasa pagtugon sa pangangailangan ng kapatid niya, si Allāh ay nasa pagtugon sa pangangailangan niya. Ang sinumang nagpaluwag sa isang Muslim sa isang dalamhati, magpapaluwag si Allāh sa kanya sa isang dalamhati kabilang sa mga dalamhati ng Araw ng Pagbangon. Ang sinumang nagtakip sa isang Muslim, magtatakip sa kanya si Allāh sa Araw ng Pagbangon." Napagkaisahan ang katumpakan.