T10: Makababanggit ka ba ng mga uri ng pagtitiis?

S: - Ang pagtitiis sa pagtalima kay Allāh (napakataas Siya);

- Ang pagtitiis laban sa pagsuway;

- Ang pagtitiis sa mga itinakdang nakasasakit at ang pagpuri kay Allāh sa bawat kalagayan.

Nagsabi si Allāh: {Si Allāh ay umiibig sa mga nagtitiis.} (Qur'ān 3:146) Nagsabi ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Pagkamangha ay ukol sa lagay ng mananampalataya! Tunay na ang lagay niya sa kabuuan nito ay kabutihan. Iyon ay hindi ukol sa isa man maliban sa mananampalataya. Kapag may dumapo sa kanya na kariwasaan ay nagpapasalamat siya, ito ay kabutihan para sa kanya; at kapag may dumapo sa kanya na kariwaraan ay nagtitiis siya, ito ay kabutihan para sa kanya." Nagsalaysay nito si Imām Muslim.