S: 1. Kapag nakadama ako ng isang pananakit, maglalagay ako ng kanang kamay ko sa kinalalagyan ng pananakit at magsasabi ako ng: "Bismi –llāh (sa ngalan ni Allāh)" nang tatlong beses at magsasabi ako ng: "A`ūdhu bi-`izzati –llāhi wa-qudratihi min sharri mā ajidu wa-uḥādhir (Nagpapakupkop ako sa kapangyarihan ni Allāh at kakayahan Niya laban sa kasamaan ng natatagpuan ko at pinangingilagan ko" nang pitong beses.
2. Malulugod ako sa anumang itinakda ni Allāh at magtitiis ako.
3. Magmamabilis ako sa pagdalaw sa kapatid kong maysakit, dadalangin ako para sa kanya, at hindi ako magpapatagal ng pananatili sa piling niya.
4. Magsasagawa ako ng ruqyah sa kanya nang hindi humihiling nito mula sa akin.
5. Magtatagubilin ako sa kanya ng pagtitiis, pagdalangin, pagdarasal, at kadalisayan sa abot ng makakaya niya.
6. Ang panalangin para sa maysakit: "As'alu llāha –l`aḍ̆īma rabba –l`arshi -l`aḍ̆īmi an yashfiyak (Humihiling ako kay Allāh, ang Sukdulan, ang Panginoon ng tronong sukdulan, na magpagaling Siya sa iyo.)" (Pitong beses.)