T7: Mabubuo mo ba ang ḥadīth: {Hindi sumasampalataya ang isa sa inyo hanggang sa ibigin niya para sa kapatid niya...} at mababanggit mo ba ang ilan sa mga katuturan nito?

S: Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi sumasampalataya ang isa sa inyo hanggang sa ibigin niya para sa kapatid niya ang iniibig niya para sa sarili niya."} Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth:

1. Kailangan sa mananampalataya na umibig para sa mga mananampalataya ng kabutihan gaya ng pag-ibig niya nito para sa sarili niya.

2. Iyon ay bahagi ng kalubusan ng pananampalataya.

* Ang Ikawalong Ḥadīth: