T6: Mabubuo mo ba ang ḥadīth: {Hindi sumasampalataya ang isa sa inyo hanggang sa ako ay maging higit na iniibig sa kanya...} at mababanggit mo ba ang ilan sa mga katuturan nito?

S: Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi sumasampalataya ang isa sa inyo hanggang sa ako ay maging higit na iniibig sa kanya kaysa sa anak niya, magulang niya, at mga tao sa kalahatan."} Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth:

1. Kinakailangan ang pag-ibig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang higit kaysa sa lahat ng mga tao.

2. Iyon ay bahagi ng kalubusan ng pananampalataya.

* Ang Ikapitong Ḥadīth: