T4: Mabubuo mo ba ang ḥadīth: {Ang pinakaganap sa mga mananampalataya sa pananampalataya...} at mababanggit mo ba ang ilan sa mga katuturan nito?

S: Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pinakaganap sa mga mananampalataya sa pananampalataya ay ang pinakamaganda sa kanila sa kaasalan."} Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy at nagsabi siya na isang magandang ḥadīth ito.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth:

1. Ang paghimok sa kagandahan ng kaasalan.

2. Ang kalubusan ng kaasalan ay bahagi ng kalubusan ng pananampalataya.

3. Ang pananampalataya ay nadaragdagan at nababawasan.

* Ang Ikalimang Ḥadīth: