T2: Mabubuo mo ba ang ḥadīth: {Ang sinumang nagpauso kaugnay sa nauukol sa aming ito...} at mababanggit mo ba ang ilan sa mga katuturan nito?

S: Ayon sa Ina ng mga Mananampalataya na si Umm `Abdillāh `A'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagpauso kaugnay sa nauukol sa aming ito ng hindi bahagi nito, ito ay tatanggihan."} Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth:

1. Ang pagsaway laban sa paggawa ng bid`ah sa Relihiyon.

2. Ang mga gawang batay sa bid`ah ay tinatanggihan at hindi tinatanggap.

* Ang Ikatlong Ḥadīth: