T13: Mabubuo mo ba ang ḥadīth: {Bahagi ng kagandahan ng pagkaanib sa Islām ng tao...} at mababanggit mo ba ang ilan sa mga katuturan nito?

S: Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Bahagi ng kagandahan ng pagkaanib sa Islām ng tao ang pag-iwan niya ng hindi pumapatungkol sa kanya."} Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy at ang iba pa sa kanya.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth:

1. Ang pag-iwan ng hindi nauukol sa tao kabilang sa mga nauukol sa buhay panrelihiyon ng iba pa sa kanya at buhay pangmundo nito.

2. Ang pag-iwan sa hindi pumapatungkol sa sarili ay bahagi ng kalubusan ng pagkakaanib niya sa Islām.

* Ang Ikalabing-apat na Ḥadīth: