T12: Mabubuo mo ba ang ḥadīth: {Ang mananampalataya ay hindi ang palapanirang-puri, ni ang palasumpa,...} at mababanggit mo ba ang ilan sa mga katuturan nito?

S: Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang mananampalataya ay hindi ang palapanirang-puri, ni ang palasumpa, ni ang mahalay, ni ang bastos."} Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth:

1. Ang pagsaway laban sa bawat pananalitang walang-kabuluhan at pangit.

2. Iyon ay katangian ng mananampalataya sa dila niya.

* Ang Ikalabintatlong Ḥadīth: