S: Ayon kay Mu`ādh bin Jabal (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang ang huli sa pananalita niya mula sa Mundo ay Lā ilāha illa llāh (Walang Diyos kundi si Allāh), papasok siya sa Paraiso."} Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud.
Ang mga Katuturan ng Ḥadīth:
1. Ang kainaman ng pangungusap na: "Lā ilāha illa llāh (Walang Diyos kundi si Allāh)" at ang tao ay papasok dahil dito sa Paraiso.
2. Ang kainaman ng sinumang ang huli sa pananalita niya mula sa Mundo ay ang pangungusap na: Lā ilāha illa llāh (Walang Diyos kundi si Allāh) ay papasok sa Paraiso.
* Ang Ikalabindalawang Ḥadīth: