T10: Mabubuo mo ba ang ḥadīth: {Pansinin at tunay na sa katawan ay may isang laman...} at mababanggit mo ba ang ilan sa mga katuturan nito?

S: Ayon kay An-Nu`mān bin Bashīr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Pansinin at tunay na sa katawan ay may isang laman na kapag umayos ay umaayos ang katawan sa kabuuan nito at kapag tumiwali ay tumitiwali ang katawan sa kabuuan nito. Pansinin at ito ay ang puso."} Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth:

1. Ang kaayusan ng puso ay nakabatay rito ang kaayusan ng panlabas at panloob.

2. Ang pagpapahalaga sa kaayusan ng puso dahil sa pamamagitan nito ang kaayusan ng tao.

* Ang Ikalabing-isang Ḥadīth: