T1: Mabubuo mo ba ang ḥadīth: {Ang mga gawain ay ayon sa mga layunin lamang...} at mababanggit mo ba ang ilan sa mga katuturan nito?

S: Ayon sa Pinuno ng mga Mananampalataya na si Abū Ḥafṣ `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Narinig ko ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at ang mag-anak niya at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang mga gawain ay ayon sa mga layunin lamang. Ukol sa bawat tao ang nilayon niya lamang. Kaya ang sinumang ang paglikas niya ay tungo kay Allāh at sa Sugo Niya, ang paglikas niya ay tungo kay Allāh at sa Sugo Niya. Ang sinumang ang paglikas niya ay para sa kamunduhan na tatamuhin niya o sa isang babaing pakakasalan niya, ang paglikas niya ay tungo sa inilikas niya."} Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth:

1. Ang bawat gawa ay kailangan nito ng isang layunin, gaya ng ṣalāh, pag-aayuno, ḥajj, at iba pa sa mga ito na mga gawain.

2. Kailangan ng pagpapakawagas sa layunin kay Allāh (napakataas Siya).

* Ang Ikalawang Ḥadīth: