T6: Ano ang mga sunnah sa wuḍū' at ang bilang ng mga ito?

Ang mga sunnah ng wuḍū' ay ang mga gawaing kung sakaling ginawa niya ay magkakaroon siya ng isang karagdagan sa pabuya at gantimpala at kung sakaling iniwan niya ay hindi magkakaroon ng kasalanan sa kanya at ang wuḍū' niya ay tumpak.

1. Ang pagsambit ng bismi –llāh (sa ngalan ni Allāh).

2. Ang paggamit ng siwāk.

3. Ang paghugas ng mga kamay.

4. Ang pagsingit ng mga daliri sa mga daliri.

5. Ang paghuhugas nang makalawa o makatatlo sa mga hinuhugasang bahagi.

6. Ang pagsisimula sa kanan.

7. Ang [pagsambit ng] dhikr matapos ng wuḍū': "Ashhadu an lā ilāha illa -llāh, waḥdahu lā sharīka lah, wa ashhadu anna muḥammadan `abduhu wa rasūluh. (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya: walang katambal para sa Kanya; at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya.)"

8. Ang pagsasagawa ng ṣalāh na dalawang rak`ah matapos ng wuḍū'.