T: Ang mga ito ay ang mga gawaing hindi natutumpak ang wuḍū' ng Muslim kapag nag-iwan siya ng isa sa mga ito.
1. Ang paghuhugas ng mukha at bahagi nito ang pagmumumog at ang pagsinghot ng tubig.
2. Ang paghuhugas ng mga kamay at mga braso hanggang sa lampas sa siko.
3. Ang pagpahid sa ulo at bahagi nito ang mga tainga.
4. Ang paghuhugas ng mga paa hanggang sa mga bukungbukong.
5. Ang pagsusunud-sunod ng mga hinuhugasang bahagi sa pamamagitan ng paghuhugas ng mukha, pagkatapos mga kamay at mga braso, pagkatapos pagpahid ng ulo, pagkatapos paghuhugas ng mga paa.
6. Ang pagtutuluy-tuloy. Ito ay ang pagsasagawa ng wuḍū' sa sandaling nagkakasunud-sunuran nang walang patlang ng sandali hanggang sa matuyuan ng tubig ang mga hinuhugasang bahagi,
gaya ng pagsasagawa ng kalahating wuḍū' at pagkukumpleto nito sa ibang sandali, kaya naman hindi tutumpak ang wuḍū' niya.