S: Ito ay ang pag-uukol ng pagpupunyagi at makakaya sa pagpapalaganap ng Islām at pagtatanggol dito at sa mga alagad nito o pakikipaglaban sa kaaway ng Islām at mga alagad ng Islām.
Nagsabi si Allāh: {at makibaka kayo sa pamamagitan ng mga yaman ninyo at mga sarili ninyo ayon sa landas ni Allāh. Iyon ay mabuti para sa inyo kung kayo ay nakaaalam.} (Qur'ān 9:41)