T44: Ano ang kainaman ng pagsasagawa ng ḥajj?

S: Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh na nagsabi: "Ang sinumang nagsagawa ng ḥajj para kay Allāh at hindi humalay ni nagpakasuwail, uuwi siya gaya ng araw na ipinanganak siya ng ina niya."} Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at iba pa sa kanya.

Ang pararilang "gaya ng araw na ipinanganak siya ng ina niya" ay nangangahulugang "nang walang pagkakasala".