S: Maghuhugas ka ng mga kamay nang tatlong ulit.
Magmumumog ka, sisinghot ka ng tubig, magsisinga ka nito nang tatlong ulit.
Ang pagmumumog ay ang paglalagay ng tubig sa bibig, pagpapagalaw nito, at ang pagbuga nito.
Ang pagsinghot ay ang paghatak ng tubig sa pamamagitan ng paghinga paloob sa ilong sa pamamagitan ng paglalagay nito ng kanang kamay.
Ang pagsinga ay ang pagpapalabas ng tubig mula sa ilong matapos ng pagsinghot.
Pagkatapos maghuhugas ng mukha nang tatlong ulit.
Pagkatapos maghuhugas ng mga kamay at mga braso hanggang sa lampas sa siko nang tatlong ulit.
Pagkatapos ang pagpahid sa ulo sa pamamagitan ng pagpaparaan ng mga kamay mo mula sa harapan at pagbabalik ng mga ito mula sa likod ng ulo, at pagpapahid sa mga tainga.
Pagkatapos maghuhugas ka ng mga paa mo hanggang sa mga bukungbukong nang tatlong ulit.
Ito ay ang pinakakumpleto. Napagtibay nga iyon ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga ḥadīth sa Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy at Ṣaḥīḥ Muslim. Nagsalaysay ng mga ito buhat sa Propeta sina `Uthmān, `Abdullāh bin Zayd, at iba sa dalawang ito. Napagtibay nga rin buhat sa Propeta sa Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy at iba pa rito: "Na siya ay nagsagawa ng wuḍū' nang tigdadalawang ulit," na nangangahulugan na siya ay naghuhugas sa bawat bahagi mula sa mga bahagi ng wuḍū' nang isang ulit o dalawang ulit.