T37: Maipapakahulugan mo ba ang pag-aayuno?

S: Ito ay ang pagpapakamananamba kay Allāh sa pamamagitan ng pagpigil sa mga tagapagpatigil-ayuno mula sa pagsapit ng madaling-araw hanggang sa paglubog ng araw kalakip ng layunin. Ito ay dalawang uri:

Pag-aayunong kinakailangan, tulad ng pag-aayuno sa buwan ng Ramaḍān, na isang haligi mula sa mga haligi ng Islām.

Nagsabi si Allāh: {O mga sumampalataya, isinatungkulin sa inyo ang pag-aayuno kung paanong isinatungkulin ito sa mga *bago pa ninyo,* nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala.} (Qur'ān 2:183)

Pag-aayunong hindi kinakailangan, tulad ng pag-aayuno sa Lunes at Huwebes ng bawat linggo, pag-aayuno ng tatlong araw sa bawat buwan, na ang pinakamainam sa mga ito ay ang mga araw ng kaputian (ika-13, ika-14, at ika-15) mula sa bawat buwang Islāmiko.