S: Nagsabi ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Kapag nagsagawa ng wuḍū' ang taong Muslim – o ang Mananampalataya – kaya naghugas siya ng mukha niya, lalabas mula sa mukha niya ang bawat pagkakamali na tiningnan ng mga mata niya kasabay ng tubig o kasabay ng huling patak ng tubig; saka kapag naghugas siya ng mga kamay niya, lalabas mula sa mga kamay niya ang bawat pagkakamali na hinagupit ng mga kamay niya kasabay ng tubig o kasabay ng huling patak ng tubig; saka kapag naghugas siya ng mga paa niya, lalabas ang bawat pagkakamali na nilakad ng mga paa niya kasabay ng tubig o kasabay ng huling patak ng tubig, hanggang sa lumabas siya na malinis sa mga pagkakasala." Nagsalaysay nito si Imām Muslim.