T29: Ano ang hatol sa ṣalāh sa Biyernes?

S: Isang tungkulin ng individuwal sa bawat Muslim na lalaki, nasa hustong gulang, nakapag-uunawa, at residente.

Nagsabi si Allāh: {O mga sumampalataya, kapag nanawagan para sa pagdarasal sa araw ng Biyernes ay magmadali kayo sa pag-alaala kay Allāh at iwan ninyo ang pagtitinda. Iyon ay higit na mabuti para sa inyo kung kayo ay nakaaalam.} (Qur'ān 62:9)