T28: Ano ang pinakamainam sa mga araw ng linggo.

S: Ang araw ng Biyernes. Nagsabi ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Tunay na kabilang sa pinakamainam sa mga araw ninyo ang araw ng Biyernes; dito nilikha si Adan, dito siya kinuha, dito ang [huling] pag-ihip [sa tambuli], at dito [magaganap] ang hiyaw, kaya magpadalas kayo ng panalangin ng basbas sa akin dito sapagkat tunay na ang panalangin ninyo ng basbas ay inilalahad sa Akin." Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, papaano pong inilalahad ang panalangin namin ng basbas sa iyo samantalang nabukbok ka na?" Iniibig nilang sabihin: "Nabulok ka na." Kaya nagsabi siya: "Tunay na si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay nagkait sa lupa ng mga katawan ng mga propeta." Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud at iba pa sa kanya.