T27: Ano ang mga sunnah rātibah? Ano ang kainaman ng mga ito?

S: Dalawang rak`ah bago ng ṣalāh na fajr;

Apat na rak`ah bago ng ṣalāh na ḍ̆uhr;

Dalawang rak`ah matapos ng ṣalāh na ḍ̆uhr;

Dalawang rak`ah matapos ng ṣalāh na maghrib;

Dalawang rak`ah matapos ng ṣalāh na `ishā'.

Ang kainaman ng mga ito ay sinabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagdarasal sa araw at gabi nang labindalawang rak`ah bilang pagkukusang-loob, magpapatayo si Allāh para sa kanya ng isang bahay sa Paraiso." Nagsalaysay nito sina Imām Muslim, Imām Aḥmad, at iba pa sa kanilang dalawa.