T26: Ano ang sasabihin na mga dhikr matapos ng taslīm ng ṣalāh?

S: Astaghfiru –llāh (Humihingi ako ng tawad kay Allāh), tatlong beses.

Allāhumma anta –ssalāmu wa-minka –ssalām, tabārakta yā dha –ljalāli wa –l'ikrām. (O Allāh, Ikaw ang Sakdal at mula sa Iyo ang kapayapaan. Napakamapagpala Mo, o pinag-uukulan ng pagpipitagan at pagpaparangal.)

Lā ilāha illa –llāhu waḥdahu lā sharīka lah, lahu –lmulku wa-lahu –lḥamd, wa-huwa `alā kulli shay'in qadīr. Allāhumma lā māni`a limā a`ṭayta, wa-lā mu`ṭiya limā mana`ta, wa-lā yanfa`u dha –ljaddi minka –ljadd. (Walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya, walang katambal para sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri. Siya sa bawat bagay ay May-kapangyarihan. O Allāh, walang makapipigil sa anumang ibinigay Mo at walang makapagbibigay sa anumang pinigil Mo. Hindi makapagpapakinabang sa may yaman laban sa Iyo ang yaman).

Lā ilāha illa –llāhu waḥdahu lā sharīka lah, lahu –lmulku wa lahu –lḥamd, wa-huwa `alā kulli shay'in qadīr. Lā hawla wa-lā qūwata illā bi-llāh. Lā llāha illa –llāh, wa-lā na`budu illā iyyāh, lahu –nni`matu wa-lahu –lfaḍlu wa-lahu –ththanā'u –lḥasan. Lā ilāha illa –llāhu mukhliṣīna lahu –ddīna wa-law kariha -lkāfirūn. (Walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya: walang katambal para sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri, at Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan. Walang kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh. Walang Diyos kundi si Allāh, at wala tayong sinasamba kundi Siya. Ukol sa Kanya ang pagbibiyaya at ukol sa Kanya ang pagmamabuting-loob at ukol sa Kanya ang magandang pagbubunyi. Walang Diyos kundi si Allāh. [Tayo ay] mga nagpapakawagas sa Kanya sa pagtalima, kahit pa man masuklam ang mga tagatangging-sumampalataya.)

Subḥāna -llāhi wa biḥamdihi (Kaluwalhatian kay Allāh.), 33 beses.

Alḥamdu lillāh (Ang papuri ay ukol kay Allāh.) 33 beses.

Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila.) 33 beses.

Pagkatapos magsasabi siya sa paglulubos ng isandaan: Lā ilāha illa –­llāhu waḥdahu lā sharīka lah, lahu –­lmulku wa lahu –lḥamd, wa huwa `alā kulli shay'in qadīr (Walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya, walang katambal para sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri. Siya sa bawat bagay ay May-kapangyarihan).

Bibigkasin ang Sūrah Al-Ikhlāṣ (Qur'ān 112), ang Sūrah Al-Falaq (Qur'ān 113), at ang Sūrah An-Nās (Qur'ān 114) nang tigtatlong beses matapos ng ṣalāh na fajr at ṣalāh na maghrib at nang tig-isang beses matapos ng mga iba pang ṣalāh.

Bibigkasin ang Āyatulkursīy (Qur'ān 2:255) nang isang beses.