T25:

S: Ang Pamamaraan ng Pagsasagawa ng Ṣalāh

1. Na humarap siya sa qiblah kasama ng buong katawan niya nang walang paglihis o paglingon;

2. Pagkatapos maglalayon siya ng ṣalāh na ninanais na dasalin sa puso niya nang walang pagbanggit ng layunin.

3. Pagkatapos magsasagawa siya ng takbīratul'iḥrām kaya magsasabi siya ng Allāhu akbar habang nag-aangat ng mga kamay niya nang pantay sa mga balikat niya sa sandali ng takbīr.

4. Pagkatapos maglalagay siya ng palad ng kanang kamay niya sa ibabaw ng kaliwang kamay niya sa ibabaw ng dibdib niya.

5. Pagkatapos dadalangin siya [nang tahimik] ng du`ā'ul'istiftāḥ (panalangin ng pagbubukas) kaya magsasabi siya: 6. "Allāhumma bā`id baynī wa bayna khaṭāyāya kamā bā`adta bayna -lmashriqi wa -lmaghribi. Allāhumma naqqinī min khaṭāyāya kamā yunaqqa -ththawbu -l'abyaḍu mina -ddanasi. Allāhumma -ghsil khaṭāyāya bi-lmā'i wa -ththalji wa -lbarad. (O Allāh, magpalayo Ka sa pagitan ko at ng mga kamalian ko kung paanong nagpalayo Ka sa pagitan ng silangan at kanluran. O Allāh, magdalisay Ka sa akin mula sa mga kamalian ko kung paanong dinadalisay ang puting kasuutan mula sa karumihan. O Allāh, maghugas Ka sa akin ng mga kamalian ko ng tubig, niyebe, at namuong yelo.)"

O magsasabi siya: "Subḥānaka -llāhumma wa biḥamdika wa tabāraka -smuka wa ta`ālā jadduka wa lā ilāha ghayruk. (Kaluwalhatian sa Iyo, o Allāh, at kalakip ng papuri sa Iyo. Mapagpala ang ngalan Mo, pagkataas-taas ang kabunyian Mo, at walang Diyos na iba pa sa Iyo.)"

6, Pagkatapos mananalangin siya ng pagpapakupkop kaya magsasabi siya: "(Nagpapakupkop ako kay Allāh laban sa isinumpang Demonyo)" 7. Pagkatapos sasambitin niya ang basmalah at bibigkasin ang Al-Fātiḥah kaya magsasabi siya: 1. (Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.) 2. (Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang,) 3. (ang Napakamaawain, ang Maawain,) 4. (ang Tagapagmay-ari ng Araw ng Pagtutumbas.) 5. (Sa Iyo [lamang] kami sumasamba at sa Iyo [lamang] kami nagpapatulong.) 6. (Patnubayan Mo kami sa landasing tuwid:) 7. (ang landasin ng mga biniyayaan Mo, hindi ng mga kinagalitan, at hindi ng mga naliligaw.) (Qur'ān 1:1-7)

Pagkatapos magsasabi ako ng: "Āmīn." Nangangahulugan ito: "O Allāh, tugunin Mo."

8. Pagkatapos bibigkas siya ng anumang madali mula sa Qur'ān at magpapahaba siya ng pagbigkas sa ṣalāh sa fajr.

9. Pagkatapos yuyukod siya, ibig sabihin, magbababa siya ng likod niya bilang pagdakila kay Allāh. Sasambit siya ng takbīr sa sandali ng pagyukod niya. Mag-aangat siya ng mga kamay niya nang pantay sa balikat niya. Ang sunnah ay na mag-unat siya ng likod niya, maglagay siya ng ulo niya nang kanibel ng likod, at maglagay ng mga kamay niya sa mga tuhod niya nang magkakahiwalay ang mga daliri.

10. Magsasabi siya, sa pagkakayukod niya, ng: "Subḥāna rabbiya –l'adhim (Kaluwalhatian sa Panginoon ko, ang Pinakadakila)" nang tatlong ulit. Kung magdaragdag siya ng: "Subḥānaka –llāhumma wa bi-ḥamdik, Allāhumma –ghfir lī (Kaluwalhatian sa Iyo, O Allāh, at kalakip ng papuri sa Iyo. O Allāh, magpatawad Ka sa akin)," ay maganda.

11. Pagkatapos mag-aangat siya ng ulo niya mula sa pagkakayukod habang nagsasabi: "Sami`a –llāhu liman ḥamidah (Duminig si Allāh sa sinumang nagpuri sa Kanya)" at mag-aangat siya ng mga kamay niya sa sandaling iyon nang pantay sa balikat niya. Ang ma'mūm naman ay hindi magsasabi ng: "Sami`a –llāhu liman ḥamidah" at magsasabi lamang siya ng kapalit nito: "Rabbanā wa-laka –lḥamd".

12. Pagkatapos magsasabi siya ng: "Rabbanā wa laka -lḥamd, mil'a -ssamāwāti wa mil'a -l'arḍ, wa mil'a mā shi'ta min shay'im ba`d (Panginoon namin, at ukol sa Iyo ang papuri, na kasimpuno ng mga langit, kasimpuno ng lupa, at kasimpuno ng anumang bagay na niloob Mo matapos niyon.)"

13. Pagkatapos magpapatirapa siya ng unang pagpapatirapa. Magsasabi siya, sa sandali ng pagkakapatirapa niya, ng Allāhu akbar. Magpapatirapa siya na nakadikit sa lapag ang pitong bahagi ng katawan: ang noo at ilong, ang mga palad ng kamay, ang mga tuhod, at ang mga dulo ng mga paa. Maglalayo siya ng mga braso niya sa mga tagiliran ng katawan at hindi siya maglalatag ng mga braso niya sa lapag. Maghaharap siya sa qiblah ng mga dulo ng mga daliri niya.

14. Magsasabi siya, sa pagkapatirapa niya, ng: "Subḥāna rabbiya -­l'a`lā (Kaluwalhatian sa Panginoon ko, ang Pinakamataas)" nang tatlong ulit. Kung magdaragdag siya ng: "Subḥānaka -llāhumma wa biḥamdik, Allāhumma -ghfir lī (Kaluwalhatian sa Iyo, O Allāh, at kalakip ng papuri sa Iyo. O Allāh, magpatawad Ka sa akin)," ay maganda.

15. Pagkatapos mag-aangat siya ng ulo niya [kasama ng katawan] mula sa pagkakapatirapa habang nagsasabi ng Allāhu akbar.

16. Pagkatapos uupo siya sa pagitan ng dalawang pagpapatirapa sa kaliwang paa niya at magtutukod siya ng kanang paa niya. Maglalagay siya ng kanang kamay niya sa dulo ng kanang hita niya nang malapit sa tuhod niya at magkukuyom siya, mula sa kanang kamay, ng hinliliit at palasingsingan. Mag-aangat siya ng hintuturo at magpapagalaw nito sa sandali ng pagdalangin niya. Maglalagay siya ng dulo ng hinlalaki na nakaugnay sa dulo ng hinggigitna gaya ng aro (loop). Maglalagay siya ng kaliwang kamay niya na nakalatag ang mga daliri sa dulo ng kaliwang hita niya nang malapit sa tuhod.

17. Magsasabi siya sa pagkakaupo niya sa pagitan ng dalawang patirapa: "Rabbi –ğfir lī, wa-rḥamnī, wa-hdinī, wa-rzuqnī, wa-jburnī, at wa-`āfinī (Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin, maawa Ka sa akin, magpatnubay Ka sa akin, magtustos Ka sa akin, magpuno Ka sa akin, at magpalusog Ka sa akin.)"

18. Pagkatapos magpapatirapa siya ng ikalawang pagpapatirapa gaya ng una sa sinasabi at ginagawa. Magsasagawa siya ng takbīr sa sandali ng pagpapatirapa niya.

19. Pagkatapos babangon siya mula sa ikalawang pagpapatirapa habang nagsasabi ng Allāhu Akbar. Magdarasal siya ng ikalawang rak`ah gaya ng una sa sinasabi at ginagawa maliban na siya ay hindi dadalangin [nang tahimik] ng du`ā'ul'istiftāḥ dito.

20. Pagkatapos uupo siya matapos ng pagwawakas ng ikalawang rak`ah habang nagsasabi ng Allāhu Akbar at uupo siya gaya ng pag-upo niya sa pagitan ng dalawang pagkakapatirapa.

21. Bibigkas siya ng tashahhud sa pagkakaupong ito kaya magsasabi siya ng: "Attaḥīyātu lillāhi wa-ṣṣalawātu wa-ṭṭayyibāt, assalāmu `alayka ayyuha –nnabīyu wa-raḥmatu –llāhi wa-barakātuh, assalāmu `alaynā wa-`alā `ibādi –llāhi –ṣṣālihīn, ashhadu an lā ilāha illa –llāh, wa-ashhadu anna muḥammadan `abduhu wa-rasūluh. Allāhumma ṣalli `alā Muḥammadin wa-`alā āli Muḥammadin kamā ṣallayta `alā Ibrāhīm wa-`alā āli Ibrāhīm, innaka ḥamīdum majīd; Allāhumma bārik `alā Muḥammadin wa-`alā āli Muḥammadin kamā bārakta `alā Ibrāhīm wa-`alā āli Ibrāhīm; innaka ḥamīdum majīd. (Ang mga pagbati ay ukol kay Allāh, at ang mga dasal at ang mga kaaya-ayang gawain. Ang pagbati ay ukol sa iyo, O Propeta, at ang awa ni Allāh at ang mga pagpapala Niya. Ang pagbati ay ukol sa atin at ukol sa mga maayos na lingkod ni Allāh. Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya. O Allāh, basbasan Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagbasbas Mo kay Abraham at sa mag-anak ni Abraham; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maringal. O Allāh, biyayaan Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagbiyaya Mo kay Abraham at sa mag-anak ni Abraham; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maringal.) Pagkatapos dadalangin siya sa Panginoon niya ng anumang naiibigan niya mula sa mabuti sa Mundo at mabuti sa Kabilang-buhay.

22. Pagkatapos magsasagawa siya ng taslīm sa dakong kanan niya habang nagsasabi ng: "Assalāmu `alaykum wa raḥmatu ­-llāh." Pagkatapos gayon din sa dakong kaliwa naman.

23. Kapag ang ṣalāh ay tatluhang rak`ah o apatang rak`ah, hihinto siya sa katapusan ng unang tashahhud: ang pagsabi ng: Ashhadu an lā ilāha illa –llāh, wa-ashhadu anna muḥammadan `abduhu wa-rasūluh.

24. Pagkatapos babangon siya para tumayo habang nagsasabi ng Allāhu akbar at mag-aangat siyang mga kamay niya nang pantay sa balikat niya sa sandaling iyon.

25. Pagkatapos dadasalin niya ang natira mula sa ṣalāh niya ayon sa pagsasagawa ng ikalawang rak`ah subalit siya ay magkakasya sa pagbigkas ng Al-Fātiḥah.

26. Pagkatapos uupo siya nang upong tawarruk: magtutukod siya ng kanang paa niya, maglalabas siya ng kaliwang paa niya mula sa ilalim ng kanang binti niya, maglalapag siya ng pigi niya sa lapag, maglalagay siya ng mga kamay niya sa hita niya ayon sa pagkalarawan ng pagkalagay nito sa unang tashahhud.

27. Bibigkasin niya sa pagkakaupong ito ang tashahhud sa kabuuan nito.

28. Pagkatapos magsasagawa siya ng taslīm sa dakong kanan niya habang nagsasabi ng: "Assalāmu `alaykum wa raḥmatu ­-llāh." Pagkatapos gayon din sa dakong kaliwa naman.