T23: Ano ang mga sunnah ng ṣalāh?

S: Labing-isang sunnah, ayon sa sumusunod:

1. Ang pagsabi matapos ng takbīratul'iḥrām (panimulang takbīr): "Subḥānaka –llāhumma wa-bi-ḥamdika wa-tabāraka –smuka wa-ta`ālā jadduka wa-lā ilāha ghayruk. (Kaluwalhatian sa Iyo, O Allāh, kalakip ng papuri sa Iyo; napakamapagpala ang ngalan Mo, napakataas ang kabunyian Mo, at walang Diyos na iba pa sa Iyo.)" Tinatawag ito ng panalangin ng pagbubukas.

2. Ang ta`awwudh (panalangin ng pagpapakupkop).

3. Ang basmalah.

4. Ang pagsabi ng āmīn.

5. Ang pagbigkas ng sūrah matapos ng Al-Fātiḥah.

6. Ang pagbigkas nang malakas para sa imām.

7. Ang pagsabi, matapos ng taḥmīd, ng: "mil'a -l'arḍi wa-mil'a mā shi'ta min shay'im ba`d (Makapupuno ng mga langit, makapupuno ng lupa, at makapupuno ng anumang bagay na niloob Mo pagkatapos)".

8. Ang anumang lumabis sa isang beses sa tasbīḥ ng pagkakayukod, ibig sabihin: ang unang tasbīḥ, ang ikalawang tasbīḥ, at anumang lumabis doon.

9. Ang anumang lumabis sa isang beses sa tasbīḥ ng pagkapatirapa.

10. Ang anumang lumabis sa isang beses sa sinasabi sa pagitan ng dalawang pagpapatirapa na: rabbi –ghrif lī.

11. Sa huling tashahhud, ang pagbigkas ng ṣalāh (panalangin ng basbas) sa mag-anak ng Propeta (sumakanila ang pangangalaga) at barakah (panalangin ng pagpapala) sa kanya at sa kanila at pagdalangin matapos nito.

Ikaapat: Ang mga sunnah ng mga gawain. Tinatawag ang mga ito na mga anyo.

1. Ang pag-angat ng mga kamay kasama ng takbīratul'iḥrām.

2. Ang pag-angat ng mga kamay sa sandali ng pagyukod.

3. Ang pag-angat ng mga kamay sa sandali ng pag-angat mula sa pagkakayukod.

4. Ang pagbaba ng mga kamay matapos niyon.

5. Ang pagpatong ng kanang kamay sa kaliwang kamay.

6. Ang pagtingin sa nilalapagan ng pagpapatirapa.

7. Ang paghihiwalay ng mga paa habang nakatayo.

8. Ang paghawak ng mga kamay sa mga tuhod habang magkakahiwalay ang mga daliri sa pagkakayukod, ang pag-unat ng likod, at ang paglalagay ng ulo nang kanibel ng likod.

9. Ang paglapag ng mga bahagi ng katawan para sa pagpapatirapa sa lapag at ang pagdikit ng mga ito sa kinalalagyan ng pagpapatirapa.

10. Ang paghihiwalay ng mga braso sa mga tagiliran, ng tiyan sa mga hita, at ng mga hita sa mga binti. Ang pagpapahiwalay ng mga tuhod. Ang pagtutukod ng mga paa. Ang paglalagay ng mga ilalim ng mga daliri ng mga paa sa lapag nang magkakahiwalay. Ang paglalagay ng mga kamay nang pantay sa mga balikat habang nakaunat na nakadikit ang mga daliri.

11. Ang upong iftirāsh sa pag-upo sa pagitan ng dalawang patirapa, sa unang tashahhud at ang upong tawarruk sa ikalawang tashahhud.

12. Ang paglalagay ng mga kamay sa mga hita habang nakaunat na nakadikit ang mga daliri sa pagitan ng dalawang patirapa at gayon din sa tashahhud subalit siya ay magkukuyom, mula sa kanang kamay, ng hinliliit at palasingsingan, magbibilog ng hinlalaki kasama ng hinggigitna, at magtuturo ng hintuturo sa sandali ng pagbanggit kay Allāh.

13. Ang paglingon sa kanan at kaliwa sa pagsasagawa ng taslīm.