T22: Mababanggit mo ba ang mga kinakailangan sa ṣalāh?

S: Ang mga kinakailangan sa ṣalāh. Ang mga ito ay walo, ayon sa sumusunod:

1. Ang lahat ng mga takbīr na iba pa sa takbīratul'iḥrām (panimulang takbīr);

2. Ang pagsabi ng "Sami`a –llāhu liman ḥamidah (Duminig si Allāh sa sinumang nagpuri sa Kanya)";

3. Ang pagsabi ng "Rabbanā wa-laka –lḥamd (Panginoon namin, at ukol sa iyo ang papuri)";

4. Ang pagsabi ng "Subḥāna rabbiya –­l`ađīm (Kaluwalhatian sa Panginoon ko, ang Sukdulan)" nang isang ulit habang nasa pagkakayukod;

5. Ang pagsabi ng "subḥāna rabbiya –­l'a`lā (kaluwalhatian sa Panginoon ko, ang Pinakamataas)" nang isang ulit habang nasa pagkakapatirapa;

6. Ang pagsabi ng "Rabbi –ghfir lī (Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin)" sa pagitan ng dalawang pagpapatirapa;

7. Ang unang tashahhud;

8. Ang pag-upo para sa unang tashahhud.